Driver na nakabundol at nakapatay sa isang by-stander sa Marcos Highway Pasig City, sasampahan ng kaso

Manila, Philippines – Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Damage to Property ang isasampang kaso sa Pasig City Prosecutors Office laban kay Al Arjay Tua driver ng Ford Ranger na nakapatay sa isang by-stander, matapos mabundol ng isang Ford Ranger, na kulay puti sa Marcos highway, Brgy. Dela Paz, Pasig City kaninang alas singko ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Marcelo Julian, nasa hustong gulang residente ng .15 Kareta Street Brgy, Sto. Nino, Marikina City.

Sa ngayon hawak ng pulisya ang Ford Ranger driver na si Al-Arjay Tua nasa hustong gulang.


Ayon kay Pasig City COP Sr Supt. Orlando Yebra patungo sa direksyon ng Antipolo ang Ford Ranger,kulay puti na may plakang AAG 6662 pero pagsapit sa tapat ng Sta Lucia Mall sa kahabaan ng Marcos Highway sakop ng Pasig City ay mayroon umanong nag-overtake na pampasaherong jeep.

Dahil dito’y nawalan ng kontrol sa maninbela ang driver, kayat bumangga sa Brgy outpost bago sumampa sa bangketa at nabundol naman ang by-stander na tumilapon ng ilang metro ang layo dahil sa lakas ng pagkabundol.

Nakapiit na sa Pasig PNP ang driver ng Ford Ranger habang inihahanda na kaso laban dito.

Facebook Comments