Driver na nakabundol sa isang buntis sa Makati, humingi na ng tawad

80

Manila, Philippines – Humarap ang driver na nakabundol sa isang buntis sa Makati.

Sa CCTV video, makikita ang dalawang beses na pagbundol ng isang kotse sa isang pitong buwang buntis.

Kwento ng biktimang si Rosie Luna – isinakay siya ng nakabundol sa kanya.


Humiling siya sa driver na susunduin lamang nito ang kanyang anak sa eskwelahan pero iniwan siya at hindi na idinala sa ospital.

Ayon pa kay Rosie, kahit June 15 nangyari ang insidente, hindi niya tiyak kung okay ang lagay ng batang kanyang dinadala.

Giit ng driver na si Vicente Nabio Jr. – hindi niya balak takbuhan ang biktima dahil naghahanap lamang siyan noon ng mapaparadahan.



Humingi na ng tawad ang driver at nangakong tutulungan ang buntis sa pagpapa-ospital.

Facebook Comments