Driver na sangkot sa aksidenteng ikinasawi ng 2 OFW sa Singapore, pansamantalang nakalaya

Kinumpirma ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) na nakapagpiyansa ang driver na sangkot sa aksidente sa Singapore na ikinamatay ng dalawang Pinay OFW.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nalaman na lamang nila na nakapagpiyansa ang suspek.

Hindi na binanggit ni Bello kung kailan nakalaya ang driver.


Dagdag pa ni Bello, isa mula sa apat na nasugatan sa aksidente ay nakalabas na ng ospital.

Tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na mabibigyan ng death, burial at livelihood assistance ang pamilya ng mga biktima.

Samantala, nasa bansa na ang mga labi ng biktimang si Arlyn Picar Nucos at kaninang madaling araw lamang dumating ang mga labi ng isa pang biktimang si Abigail Leste.

Facebook Comments