Driver ng Board Member at isang Empleyado, Huli sa Drugs Pot-Session

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang katao matapos maaktuhan na gumagamit ng iligal na droga bandang 1:40 kaninang madaling araw sa Brgy. Centro 1, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Pascual, 23-anyos, binata, isang driver at residente ng Brgy. Sto. Domingo sa Bayan ng Piat at Resty Misador, 36-anyos, at residente ng Brgy. San Vicente sa Bayan ng Sta. Ana sa nasabing lalawigan.

Ayon sa PDEA Region 2, nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Board Member Jean Alphonse D. Ponce na may kasalukuyang isinasagawang pot-session na gad namang tinugunan ng ahensya ang sumbong laban sa mga suspek.


Nakumpiska sa mga suspek ang walong (8) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P70,000; dalawang (2) improvised tooter at iba pang drug paraphernalia

Nabatid na si Pascual ay driver ni BM Ponce habang si Misador ay isang empleyado ng Provincial Government ng Cagayan.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na nasa kustodya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments