Driver ng Fortuner na Tumumbok sa 2 Katao-Patay, Sasampahan na ng Kaso!

1654

*UPDATE: *Nakatakdang sampahan ngayong araw ang driver ng Toyota Fortuner na tumumbok sa dalawang indibidwal na sakay ng motorsiklo noong Abril 21, 2019 ng madaling araw sa Daang Maharlika ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Double Homicide and Damage to Property ang suspek at driver ng Fortuner na si Elmer Codia, 36 anyos, empleyado ng pribadong sektor at residente ng Bougainville St, Maligaya Park, Quezon City.

Magugunita na sa nasabing araw, patungong sentro ng Cauayan ang isang itim na Yamaha Mio na sinakyan nina Bryan Paul Quilang, 22 anyos, walang asawa, isang negosyante at ni Clyde Cruz, 19 anyos, binata at isang estudyante at kapwa residente ng Barangay District 2, Cauayan City, Isabela.

Habang ang pasalubong at mabilis na patakbo ng Fortuner ay galing sa hilagang direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay dito na nagsalpukan ang motorsiklo at sasakyan.

Sa tindi ng banggaan ay tumilapon sa malayo ang dalawang sakay ng motorsikl o.

Naisugod ang dalawang sakay ng motorsiklo sa Isabela United Doctors Medical Center ngunit nadeklarang dead on arrival si Bryan Paul Quilang habang sumunod ding namatay si Clyde Cruz habang nilalapatan ng lunas.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat pa rin ng PNP Cauayan City ang suspek maging ang dalawang sangkot na behikulo.

Facebook Comments