Driver ng libreng sakay para sa mga frontliners, nakatanggap ng regalo mula sa RMN Foundation at Pfizer Philippines

103

Tila pinakinggan ang hiling ng isang driver matapos siyang makatanggap ng regalo mula sa Oplan Bayanihan sa Bayan ni Juan ng DZXL Radyo Trabaho RMN Foundation at Pfizer Philippines.

Ngayong araw kasi nagiikot ang DWWW, DZXL at IFM Manila at saktong nadaanan at nabigyan ng samu’t saring prutas si Joevany Delos Santos.


Si Joevany Delos Santos ay isang driver ng libreng sakay para sa mga fronliner tulad ng nurse.

14 na oras siyang pumapasada araw-araw papuntang Market, Market sa Taguig City.

Ayon kay Delos Santos, malaking bagay ang natanggap niya lalo’t matindi ang pangangailangan sa prutas upang mapalakas ang kanyang resistensya.

Aminado na may kaba sa dibdib pero tuloy aniya ang trabaho para sa bayan at para sa pamilya.

Facebook Comments