Driver ng Motorsiklo, Sugatan Matapos Mabangga ng Bus sa San Manuel, Isabela!

*San Manuel, Isabela- *Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ng isang bus ang minamanehong motorsiklo sa brgy Distict 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima at driver ng motorsiklo na si Edward Celis, residente ng Macatal, Aurora, Isabela habang ang drayber ng bus ay si Reneboy Pabona, 38 anyos at residente naman ng Centro West, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, parehong binabaybay ng biktima at suspek ang pambansang lansangan ng nasabing barangay nang biglang lumiko sa kaliwang linya si Celis na dahilan ng pagkabangga ng sumusunod na bus.


Dinala naman sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas matapos itong magtamo ng mga sugat sa katawan.

Dinala rin sa PNP San Manuel si Reneboy pabona maging ang dalawang behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inaalam pa ng PNP ang halaga ng napinsala sa dalawang sangkot na behikulo.

Facebook Comments