Driver ng pulis na umano’y pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon, nananatiling tikom ang bibig

Wala pang ibinibigay na detalye sa kanyang involvement ang isa sa itinuturing na key suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon si Jeffrey Magpantay matapos na kusang sumuko sa Balayan Municipal Police Station sa Batangas kamakailan.

Si Magpantay ay driver ng pangunahing suspek sa kaso na si PMaj. Allan de Castro.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang paglutang ni Magpantay ay para iprisinta ang kaniyang sarili sa proseso ng preliminary investigation.


Sa pamamagitan din ng pagsuko ni Magpantay ay mapapabilis ang pag-usad ng kaso ni Catherine.

Maaalalang kusang nagtungo sa Balayan Police si Magpantay kasama ang kanyang ka-live in partner para magpasailalim sa kanilang preventive custody.

Nabatid na October 12, 2023 pa napaulat ang pagkawala ni Camilon na kumatawan sa Batangas sa Miss Grand Philippines 2023.

Facebook Comments