Driver ng sasakyan na nag-counterflow sa skyway, haharap sa DOTr at LTO ngayong linggo

Nakatakdang humarap sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang driver ng sasakyan na nag-counterflow sa Skyway.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pinadalhan na nila ng showcause order ang naturang driver at pagpapaliwanagin nila sa tanggapan ng LTO.

Hindi pa man tiyak ng ahensya kung ano ang dahilan kung bakit pumasok at biglang nag-u-turn o nag-counterflow ang driver ng sasakyan.

Pagtitiyak naman ni Dizon na pananagutin niya ito sa batas lalo pa’t may buhay na maaring mapahamak lalo na ang mga gumagamit ng daanan.

Una nang ipinag-utos ni Sec. Dizon ang perpetual revocation o habambuhay na pagkakakansela ng lisensya ng driver.

Facebook Comments