Driver ng sasakyan na nag-counterflow sa Skyway, haharap sa DOTr at LTO ngayong linggo

Nakatakdang humarap sa Land Transportation Office (LTO) ang driver ng sasakyan na nag-counterflow sa Skyway matapos itong ipatawag ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay DOTr secretary Vince Dizon, kahapon ay pinadalhan na nila ng showcause order ang naturang driver at pagpapaliwanagin nila sa tanggapan ng LTO.

Hindi pa man tiyak ng ahensya kung ano ang dahilan kung bakit pumasok at biglang nag—U-turn o nag-counterflow ang driver ng sasakyan.

Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na niya haharapin ang batas trapiko.

Pagtitiyak din ni Secretary Dizon na pananagutin niya ito lalo pa’t may buhay na maaring mapahamak matapos ang ginawang aksyon sa daan.

Una nang ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang perpetual revocation o habambuhay na pagkakakansela ng lisensya ng driver.

Facebook Comments