
Hindi sumipot ang driver ng SUV na nag-counterflow sa skyway matapos ang ipinatawag na imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay LTO Executive Director Atty. Greg Pua Jr., kahit na naipadala ang show cause order sa driver ay hindi ito dumating sa pagdinig.
Dahil dito, reresolbahin na ng LTO-intelligence and investigation division ang kaso laban sa driver batay sa hawak nilang ebidensya.
kabilang sa mga parusa na pwedeng ipataw sa driver ay ang revocation ng lisensya maging ang perpetual disqualification na makapagmaneho ng sasakyan.
Kaugnay nito, dumalo naman sa pagdinig ang natukoy na may-ari ng sasakyan.
Gayunman, paliwanag ng nagpakilalang may-ari, na wala na umano sa kaniya ang sasakyan.
Noon pa aniyang July 2021 nai-surrender na umano niya sa bangko ang sasakyan.









