Driver ng ten wheeler truck na nakabangga ng 3 motorsiklo sa Makilala North Cotabato sumuko na

Sumuko sa Barangsy Kapitan ng Kawayanon, Makilala ang drayber ng ten wheeler truck na nasangkot sa road accident sa Sitio Patulangon, Brgy. Malasila, sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato. Kinilala ang sumukong drayber na si Francisco Mabanag residente ng Carmen, North Cotabato.
Ayon sa ulat Biernes ng umaga ng boluntaryong sumuko si Banag kay Kapitan Quirino Alaba ng Brgy. Kawayanon .
Sa kanyang kuwento nawalan umano ng preno ang minamaneho nitong truck habang tinatahak ang tulay sa nasabing lugar , ilang beses siyang bumusina pero hindi na nito makontrol ang minamanehong ten wheeler truck hanggang sa inararo ang tatlong mga motorsiklo. Sa nasabing aksidente apat ang patay.
Ss pagkakatumba ng minamanehong truck ay agad siyang tumakbo ng makita ang papalapit na maraming tao sa kanya. Sa kanyang pagtago ay nakita siyang isang magsasaka ng goma at doon nagpatulong na sumuko sa barangay Kapitan ng kawayanon.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments