Driver ng Toyota Camry na sangkot sa hit-and-run sa General Trias, Cavite, sinuspinde na ng LTO

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari at driver ng isang Toyota Camry na nasangkot sa isang viral video na nagpapakita ng umano’y hit-and-run incident sa General Trias, Cavite.

Batay sa video, makikita ang Toyota Camry na bumibiyahe sa kalsada nang masagi ng isang motorsiklo ang hulihang bahagi ng sasakyan. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang motorsiklo na naging sanhi ng pagbagsak sa kalsada ng drayber at ng angkas nitong pasahero.

Matapos ang insidente, patuloy na umabante at umalis ang sasakyang nakasagi mula sa pinangyarihan ng insidente.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon, ipinag-utos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang 90-araw na preventive suspension ng lisensya ng driver.

Inatasan din ang drayber na isuko ang kaniyang driver’s license sa itinakdang pagdinig ng LTO–Intelligence and Investigation Division (IID) sa East Avenue, Quezon City, sa Enero 6, 2026.

Samantala, inilagay rin sa alarm status ang Toyota Camry habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments