Driver ng tricycle binaril patay sa Mlang North Cotabato

Biktima ng pamamaril ang isang tricycle driver noong Sabado ng hapon sa Dagohoy Street, barangay Poblacion , sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng Cotabato. Ang biktima na kinilalang si Jeffrey Cortado Sipi, 42 anyos, may-asawa, nakatira sa J.P Laurel Street, sa bayan ng Mlang, Cotabato ay nagmamaneho ng tricycle ng sundan at pagbabarilin ng riding in tandem criminal na sakay ng Suzuki Raider 150 motorcycle na walang plaka.
Binaril ang biktima ng maraming beses sa kanyang likuran na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis namang tumakas ang dalawang hindi kilalang suspect.
Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng bala mula sa cal. 9mm pistol. Wala pang matukoy na motibo sa insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments