Hawak na ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng wing van truck na sangkot sa multiple collision sa Katipunan Avenue/Aurora Fly-over.
Kinilala ang driver na si Richard Mangupag.
6:55 PM kagabi, binabaybay ni Mangupag ang Katipunan Avenue/Aurora Fly-over mula sa direksyon ng Col. Bonny Serrano Avenue at patungong C.P. Garcia Avenue nang mawalan ng preno ang minamaneho nitong truck kung kayat dire-diretso nitong inararo ang 16 na motorsiklo at limang motor vehicles .
Nagresulta ito sa pagkasawi ng apat na katao at pagkasugat ng 26 na iba pa.
Agad na tumakas ang driver na si Mangupag sa lugar ng karambola ng mga sasakyan.
Pero, agad siyang naaresto sa follow-up operations ng mga operatiba ng QCPD bandang 1:30 kaninang umaga.