Monday, February 16, 2026

Driver ng tuktuk na nag-viral matapos takasan ang nasaging motorcycle rider, inisyuhan ng LTO ng show cause order.

Inisyuhan na ng show cause order ng Land Transportation Office o LTO ang driver ng tuktuk o tricycle na nag-viral sa social media matapos takasan ang nasagi nitong motorcycle rider at nagdulot ng panganib sa iba pang motorista.

Ayon kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, inatasan nila ang rehistradong may-ari at driver ng tricycle na dumalo sa pagdinig ng LTO Intelligence and Investigation Division.

Pinagsusumite rin ito ng sinumpaang salaysay kung bakit hindi siya dapat patawan ng mga kasong disregarding traffic sign, reckless driving at ang pag-revoke sa kanyang lisensya sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Makikita sa viral video na hinabol ng ilang motorcycle rider ang tricycle nang masagi nito ang isang motorsiklo at takasan pero kalaunan ay na cornner din ang driver.

Sinabi pa ni Lacanilao na suspendido na ng 90 araw ang lisensya ng driver at isasailalim sa alarm status ang tricycle habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng LTO.

Facebook Comments