DRIVER NG VAN NA SANGKOT SA AKSIDENTE SA CCLEX SA TARLAC, NAGPOSITIBO SA ILEGAL NA DROGA

Kinumpirma ng kapulisan na nagpositibo sa ilegal na droga ang driver ng L300 van na nasangkot sa malagim na aksidente sa kahabaan ng Central Luzon Expressway (CLLEX) sa La Paz, Tarlac noong umaga ng August 12.

Matatandaan na nawalan ito ng kontrol at bumangga sa metal barrier sa gilid na kalsada, habang sakay ang 14 indibidwal.

Sa pagsisiyasat sa insidente, ayon umano sa mga nakaligtas na pasahero, bago pa ang disgrasya ay mabilis umanong pinapatakbo ng driver ang sasakyan.

Ayon pa sa awtoridad, nagnegatibo naman ito sa alcohol breath test.

Limang pasahero ang nasawi habang siyam naman ang sugatan sa naturang insidente.

Patuloy na nakaantabay ang awtoridad sa kalagayan ng mga ibang sugatang pasahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments