DRIVER NG WATER TANKER, NALUNOD SA IRIGASYON

Nalunod ang isang driver ng water tanker sa isang irigasyon sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Ang biktima ay Isang 57 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang residente sa lugar ang naka ita sa katawan ng biktima na nasa irigasyon.

Napansin umano nito ang water tanker na naka park malapit sa irigasyon na nakasindi ang makina ngunit wala umanong nakasakay o nagbabantay.

Nang kanya itong lapitan, tumambad sa kanya ang katawan ng isang lalaki sa tabing irigasyon.

Agad naiahon at nadala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments