
Posibleng isailalim sa lie detector test ang driver ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, si Ricardo Hernandez.
Ayon kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, hindi sapat na nagtutugma lamang ang ibinigay na pahayag ng driver sa kanyang statement at sa mga sinabi niya sa mga panayam.
Aniya, depende pa rin ito kung hindi pa kumbinsido ang mga imbestigador sa nakuha nilang salaysay.
Paglilinaw naman ni Mallari, kung sakaling kailanganin ang test, dapat maging willing si Hernandez at ipagpaalam ito sa kanyang legal counsel.
Bibisitahin din ng NBI ang crime scene upang masiguro kung tumalon ba talaga ang dating opisyal, kahit na sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na consistent ang injuries ni Cabral sa pagkahulog.
Facebook Comments









