Manila, Philippines – Pinapaparusahan ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang mga sasakyang ang sakay lamang ay mga drivers o driver-only-driven-vehicle.
Ito ay kasunod ng pagkakaapruba sa mosyon ni Batocabe sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development.
Iginiit ni Batocabe na kailangang maglatag na ang MMDA ng parusa sa mga sasakyang daraan sa EDSA ng rush hour na wala namang ibang sakay kundi ang driver lang nito.
Pero, inihirit naman ng MMDA na ipatupaad muna ito sa mga pampublikong sasakyan dahil mahirap ipatupad ang ganitong patakaran sa mga private vehicles.
Karaniwan umanong tinted ang mga salamin ng mga pribadong sasakyan.
Nangako naman ang PNP na kung ipapatupad ang parusa ay kaya nilang manghuli ng mga driver-only-driven-vehicles kahit pa tinted ito.