Driver pinagbabaril ng riding in tandem

General Santos City— on the spot patay ang isang tricycle Driver matapos itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang ito ay nasa kanilang bahay sa Prk. Kasilak, Barangay West Gensan. Kinilala ang biktima na si Vergilio Dacai, 50, residenti ng Silway Kasilak, Barangay West Gensan.
Alas 4:00 ng hapon nang may dalawang lalaki na pumunta sa kanilang lugar ang may hinahanap na isang Thata Jr. kahit sinabihan na ng mga residenti na wala silang kilalang ganoong pangalan, patuloy parin sila sa paghahanap.
Pero nang Makita nila si Dacai na lumabas ng tinutuluyan nito, walang sabi-sabi, agad nila itong pinagbabaril ng anim na beses bago sila umalis ng lugar sakay ng kanilang motorsiklo.
Hindi na nadala pa ng pagamutan ang biktima dahil binawian agad ito ng buhay dahil sa tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sinabi ni Bhebie Dela Rosa, live-in partner ng biktima na wala namang kinasasangkutang iligal ang kanyang kinakasama. Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang pag imbistiga ng pulisya sa nasabing insidenti.

Facebook Comments