Driver, sugatan matapos sumalpok ang minamaneho nitong SUV sa Quezon City

Manila, Philippines – Sugatan ang isang driver matapos na sumalpok sa poste ng traffic light sa kanto ng Don Roces Avenue, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Oliver Tan, 44 anyos, na agad naman naisugod sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa pinsala nito sa binti.

Batay sa salaysay ng saksi sa lugar, napakabilis umano ng takbo ng nasabing sasakyan at maya maya pa ay nakarinig na sila ng kalabog, bumangga na pala ang sasakyan kung kayat agad siyang tumawag ng rescue team.


Wasak ang harapan ng SUV dahil sa sobrang lakas ng impact nito sa poste at halos sumampa na sa gutter ang naturang sasakyan.
DZXL558

Facebook Comments