Driver, sugatan matapos sumampa ang minamanehong trailer truck sa center island sa Lacson Avenue

Manila, Philippines – Sugatan ang driver na si Gerry Orcullio matapos na araruhin ng minamaneho niyang trailer truck ang traffic island sa northbound lane ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila.

Nagtamo ng pinsala sa ulo si Orcullio na isinugod na sa Jose reyes Memorial hospital.

Ayon sa pahinante na si Danny Fernandez galing sila ng Makati city at pabiyahe ng Meycauayan ,Bulacan nang mawalan ng kontrol sa Manibela ang driver sanhi para makabig nito ang truck.


Sa lakas ng impact, sumampa ang trailer truck sa center island at nasalpok ang mga lamp post.

Mabuti na lamang at wala itong kasalubong na sasakyan ang trailer truck kung kayat walang ibang nadamay.

Inaalis na ng mmda ang trailer truck na bahagyang lumikha ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments