Isang kaso ng pamamaril ang naitala sa Cotabato City kagabi.
Nangyari ang pamamaril sa tapat ng G-SPOT Video-k bar alas 11:40 kagabi.
Kinilala ni Station 2 Commander PSIns Rowell Zafra ang naging biktima na si Sanny Martin 44, driver, residente ng Don E. Sero RH5.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng tama sa kanyang ulo.
Nanawagan naman ang pamunuan ng Station 2 na iwasan ang paglabag sa ipinapatupad na curfew hour.
Facebook Comments