Naipamahagi na ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga operator ng pampublikong sasakyan na kasali sa Service Contracting Program Under the General Appropriations Act of 2021 sa buong Region 1 ang kanilang bayad.
Sa ginanap na pay out ng labintatlong Kooperatiba/Korporasyon na kabilang sa naturang programa, umabot sa ₱61,252,145.50 ang kabuuang halaga na naipamahagi dito.
Kasama sa naging kabuuang halaga ng payout ang naibigay sa bawat operator sa ilalim ng programa ang weekly payout at one-time onboarding incentives.
Malaki naman umano ang naging pasasalamat ng mga operator na nakasali sa naturang programa dahil marami din silang natulungang kababayan sa gitna ng pandemya.
Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga operator at driver para sa mga commuters.###