Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang paglalabas ng driver’s licenses na may 10-year validity sa October 2021.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, ang mga mabibigyan ng lisensya ay ang mga driver na wala pang record na violations.
Aniya, insentibo na rin ito sa mga sumusunod sa batas trapiko.
Ang LTO ay mayroong ‘demerit’ system, kung saan nakakakuha ang mga motorist ng ‘demerit points’ depende sa bigat ng kaniyang paglabag.
Kapag maraming naipong demerit points ang driver sa ilalim ng five-year validity ng lisensya, maaari siyang patawan ng multa at parusa, at kinakailangan na ring dumaan ang driver sa reorientation.
Ang mga violations ay naitatala sa LTO system, na kapag ire-renew ng driver ang kanilang lisensya ay aabisuhan sila sa kanilang demerit points.