Maglalabas ang Land Transportation Office (LTO) ng driver’s license na may 10-year validity sa mga motoristang may malinis na record.
Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, una nilang sinimulan ang pag-i-isyu nito noong October 28 pero limitado lamang sa Central Office Licensing Center nito sa Quezon City.
Habang ngayong araw, sisimulan ng LTO ang pagbibigay nito sa lahat ng opisina nila sa Metro Manila.
Para naman sa mga motoristang magre-renew ng lisensya, kailangan muna nilang maipasa ang Comprehensive Driver’s Education (CDE) bago makapagsumite ng aplikasyon.
Matatandaang ipinababasura ni Deputy Speaker at Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang nasabing refresher course na aniya’y “unnecessary” at walang legal na basehan.
Facebook Comments