DROGA SA BILIBID | Bagong sindikato, kinumpirma ng PDEA

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagdinig sa Kamara na may mga bagong grupo sa New Bilibid Prison (NBP) na nasa likod ng bentahan ng iligal na droga.

Sa briefing na isinagawa ng Subcommittee on Correctional Reforms tungkol sa paglaganap ng droga sa NBP, sinabi ni PDEA Director Jigger Montallana na may mga natuklasang bagong grupo na nasa likod ng drug trade sa NBP.

Ito aniya ay base sa kanilang monitoring kung saan ang mga bagong grupo ay wala pa sa listahan ng kanilang mga binabantayan.


Kinumpirma pa ni Montallana na mga Chinese nationals ang nasa likod ng kalakaran ng iligal na droga sa bilibid.

Para matutukan ang grupo, mayroon na aniya silang satellite office sa NBP para mas mabantayan ang galaw ng nasabing bagong sindikato.

Facebook Comments