Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan na mayroon na nabawasan na o bumaba ang suplay ng iligal na droga sa probinsya.
Base sa patuloy na isinasagawang operasyon ng PDEA kung saan sinabi ni PDEA Provincial Director IA V Rechie Camacho na nakitaan na kakaunti ang mga nakukumpiskang mga droga sa mga sangkot sa iligal na droga.
Aniya pa, dahil sa isinasagawa ng kanilang hanay na pagmamanman at balidasyon sa mga sangkot sa iligal na droga gaya na lamang ng mga malalaking personalidad ay nawala na sa probinsya.
Maski aniya wala na ang mga ito, mahigpit pa rin ang kanilang pagbabantay sa mga posibleng sangkot sa droga.
Isa sa dahilan ng pagbaba ng suplay ng droga ay dahil sa supply reduction program ng PDEA.
Samantala, matatandaan din na patuloy ang isinasagawang balidasyon sa mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan upang maideklarang drug-cleared status kung saan base sa kanilang datos nasa 90% na ang idineklarang cleared sa droga ayon sa PDEA. |ifmnews
Facebook Comments