Droga, sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ugat ng terorismo sa bansa

Manila, Philippines – Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa droga ang ugat ng terorismo sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa ika-119 anibersaryo ng Philippine Navy, sinabi ng pangulo na pinopondohan ng drug money ang terorismo sa bansa kung saan “bed rock” aniya ng pagawaan ng shabu ang Marawi City.

Nangangamba naman si Pangulong Duterte na baka lumipat sa Visayas ang mga terorista dahil na rin sa lapit nito sa Mindanao.


At sakaling mangyari, muling iginiit ng pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na suspendihin ang Writ of Habeas Corpus sa Visayas.

Samantala, nagpa-abot rin naman ng pakikiramay ang pangulo sa mga pamilya ng nasawing sundalo at pulis sa gitna ng pakikipaglaban sa Maute terror group.
DZXL558

Facebook Comments