Drone, gagamitin ng PNP bilang bahagi ng pagbabantay sa seguridad ng mga deboto na lalahok sa Traslacion

Gagamit ng drone ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay sa seguridad ng mga deboto na makikilahok sa Pista ng Itim na Nazareno, bukas.

Bukod sa PNP, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, gagamit din ng drone ang iba pang ahensya ng pamahalaan at security forces upang matiyak na masusubaybayan ang malaking okasyon.

Kasabay nito, ipinaalala ni Col. Fajardo na epektibo na simula kahapon ang no fly, drone at sail zone sa paligid ng Quirino Grandstand maging sa Simbahan ng Quiapo na tatagal hanggang sa January 10.


Samantala, bukod sa Translacion, nakatutok din ang PNP sa inaasahang pagdating sa bansa bukas ni Indonesian President Joko Widodo.

Facebook Comments