Bumagsak ang isa sa mga Unmanned Aerial Vehicles (UAV) ng Philippine Air Force (PAF) sa Cagayan de Oro kahapon.
Batay sa report ng PAF, nagsagawa ng isang check flight ang kanilang Hermes 900 drone dakong 9:30 ng umaga sa Lumbia Airport sa naturang lungsod.
Nagpatuloy ang naturang UAV hanggang makaabot ito ng 10,000 feet at matapos ang check flight ay ipinababa na nila ang drone pabalik ng paliparan.
Ngunit dakong 11:46 ng umaga ay nawalan ng komunikasyon sa naturang drone at bumagsak ito sa isang masgubat na lugar.
Ayon sa PAF, walang nasaktan o nasawi at nasirang ari-arian ang naitala.
Iniimbestigahan na ng Air Force ang naturang insidente.
Facebook Comments