Manila, Philippines – Inirekomenda ni Kabayan Rep. Ciriaco Calalang na isama sa 2019 budget ang pagbili ng drone na maaaring magamit sa panahon ng kalamidad at opensiba laban sa mga kalaban ng estado.
Partikular na pinaglalatag ng drone program sa ilalim ng 2019 budget ang PNP, NDRRMC, Philippine Coastguard, PDEA, DENR, AFP at DPWH.
Iginiit ni Calalang na hindi lamang dapat mga malalaking gamit ang ginagastusan ng pamahalaan tulad ng barko, jets at helicopters.
Panahon na aniya para i-maximize ang gamit ng drone na mas mura pa sa mga ito.
Naniniwala si Calalang na malaki ang maitutulong ng drone lalo na sa panahon ng kalamidad gayundin sa pangangalap ng intelligence information at law enforcement operations o kahit pa sa pagbabantay West Philippine Sea.