DRRM PRACTICES NG ASINGAN, MULING KINILALA SA IKA-APAT NA TAON

Ginawaran ng Gawad Kalasag Seal ang bayan ng Asingan sa kahusayan sa Disaster Risk Reduction and Management sa magkakasunod na apat na taon mula 2022.

Kinilala naman ng lokal na pamahalaan ang ugnayan ng parehong MDRRMC at BDRRMC sa patuloy na pagtupad sa kanilang tungkulin sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga nasasakupan.

Sa pahayag ng alkalde, patuloy pang paiigtingin ang mga programa sa disaster preparedness at resiliency upang mas matutukan ang pagpapaigting pa ng mga programang pangkaligtasan ng mga residente.

Ang Gawad Kalasag Seal ay pambansang pagkilala sa mga local government units na may natatanging programa sa disaster preparedness, climate change adaptation, at humanitarian assistance, alinsunod sa RA 10121.

Sa Pangasinan, isa lamang ang Asingan sa mga ginawaran ng parehong pagkilala ngayong taon.

Facebook Comments