Drug abuse helpline 1550, inilunsad ng DOH

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Substance Abuse Hotline 1550 kasabay ng paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking ngayong araw, June 26.

Ayon kay DOH Dangerous Drugs Abuse Prevention and Treatment Program Manager Jose Bienvenido Leabres, layunin ng helpline na mabigyan ng access sa professional assistance ang mga Persons Who Use Drugs (PWUDs) sa gitna ng quarantine.

Ang helpline ay magbibigay ng impormasyon at suporta, brief interventions at referrals sa mga treatment center.


Pagtitiyak ni Leabres na ang mga tawag ay magiging confidential at protektado ng Data Privacy Law.

Ang helpline ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments