Drug Abuse Prevention and Control Week, Isinagawa ng Lungsod ng Ilagan!

22

*City of Ilagan, Isabela- *Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan ang kanilang Drug Abuse Prevention and Control Week sa pamamagitan ng kanilang sama-samang paglalakad sa Lungsod ng llagan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center Nurse 2 Jam Perry Canapi, dinaluhan ito ng iba’t-ibang mga high school students at ng LGU Ilagan City.

Layunin nito na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral at kabataan hinggil sa epekto at pag-iwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Marami narin umano ang kanilang napagtapos na sumailalim sa rehabilitasyon at natulungang magbago sa kanilang dating masamang bisyo.

Ayon pa kay ginoong Canapi, bukas lamang aniya ang kanilang opisina sa pagtanggap ng mga nalulong sa droga na nais sumailalim sa rehabilitasyon upang hindi na bumalik sa paggamit ng droga.

Facebook Comments