Drug buy bust operation: Dalawa arestado, P100,000 na halaga ng shabu nasabat

Kalibo, Aklan— Arestado ng mga myembro ng Kalibo Police Station ang mga suspek na sina Daryl Manglapus 39 anyos tubong Villamonte Bacolod City pansamantalang naninirahan sa bayan ng Balete at si Gene Auro 42 anyos tubong Bacolod City at reaidente ng Linabuan Norte Kalibo.
Ikinasa ng mga otoridad ang nasabing operasyon kagabi sa isang Lodging House sa Brgy. Pook Kalibo kung saan nagbenta ang mga ito ng dalawang sachet ng shabu sa poseur buyer kapalit ng P3,000 na marked money.
Sa kasagsagan ng transaksyon, naaktuhan pa ng mga pulis na kasalukuyang gumagamit ng illegal na droga ang mga ito sa loob ng kanilang kwarto.
Narecover ng mga otoridad ang karagdagang 3 malalaking sachet ng droga, 1 bundle ng walang laman na plstic sachet na naka lagay sa isang pouch mula kay Auro.
Samantala nakuha naman mula sa bulsa ni Manglapus ang dalawang malalaking sachet ng shabu na nakalagay pa sa pakete ng sigarilyo.
Tumambad rin ang ilang mga drug paraphernalias kagaya ng lighter, isang rolyo ng aluminum foil, improvised totter at sealer.
Hindi naman bababa sa P100,000 ang street value ng droga na narecover sa nasabing operasyon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Facebook Comments