Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na umabot na sa Pilipinas ang operasyon ng isang drug cartel mula Colombia.
Ito ay ang Medellin Drug Group.
Sa kanyang talumpati sa mga barangay leaders sa Pasay City, ayon sa Pangulo – patunay dito ang pagkakarekober ng mga bloke-blokeng cocaine sa mga baybayin ng bansa.
Aniya, ang ilegal na droga ay ginagawa na sa mga bangka at kinakabitan ng GPS devices bago itapon sa karagatan para matunton at makuha ng drug traffickers.
Napakalaking hamon na ngayon na bantayan ang buong baybayin ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na ang cocaine ay droga ng mga mayayaman.
Una nang nagbabala ang Pangulo na magiging madugo ang kampanya kontra ilegal na droga sa mga nalalabing taon ng kanyang termino.
Facebook Comments