Drug case laban kay Kerwin Espinosa at ilang mga kapwa akusado, ibinasura

Ibinasura ng Makati Regional Trial Court branch 64 ang drug case laban kay Kerwin Espinosa at ilang mga kapwa akusado na sina Wu Tuan Yuan o Peter Co, Marcelo Adorco, Lovely Impal, at Ruel Malindangan na pawang mga miyembro ng “Espinosa Group.”

Ito ay makaraang pagbigyan ang kanilang “Demurrer to Evidence” o mosyon para i-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng sapat na matibay na ebidensiya.

Sa kautusan na pirmado ni Judge Gina Palamos na inilabas noong Disyembre 17, 2021, ang desisyon ay dahil sa kakulangan umano ng sapat na ebidensya at kabiguan ng prosekusyon na maglabas ng iba pang katibayan laban sa mga akusado.


Ang mga akusado ay naharap sa paglabag sa ilang probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o 2002 noong Hulyo 2018 kung saan naghain sila ng Demurrer to Evidence noong Hulyo 2021.

Si Espinosa ay nadawit at nakulong dahil sa iba’t-ibang kaso na may kaugnayan sa illegal drug trading kasama anv illegal possession of firearms mula noong maganap ang raid sa bahay ng kanyang ama ng yumaong si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Wala pa naman inilalabas na anumang pahayag ang Department of Justice (DOJ) sa naturang ng korte sa kaso ni Espinosa.

Facebook Comments