Drug case laban sa kapwa-akusado ni Senator Leila De Lima, binasura ng DOJ

Manila, Philippines – Tuluyan nang ibinasura ng DOJ Panel of Prosecutors ang reklamong illegal drug trafficking na nauna nilang inihain laban kay Dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Rafael Ragos.

Kasunod ito ng pag-amin ni Ragos sa pinanggalingan ng perang binibigay niya kay Senadora Leila de Lima.

Si Ragos ay dati ring Officer In Charge ng Bureau of Corrections (BUCOR) noong si De Lima ang kalihim ng DOJ.


Sa kanyang salaysay, sinabi ni Ragos na ang dalawang P5 milyon na kanyang inihatid kay De Lima ay galing kay Peter Co.

Ang naturang salapi aniya ay parte ng senadora mula sa kita sa drug trade sa New Bilibid Prisons.

Isa aniyang inmate na nagngangalang Han Tan ang tumawag sa kanya at nagkumpirma na ang pera ay galing kay Peter Co.

Naghain na ang DOJ ng Amended Information sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 kung saan inaalis na ang pangalan ni Ragos bilang isa sa mga akusado sa kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments