DRUG CASE | Prosecution panel ng DOJ na nagbasura sa kaso nina Kerwin Espinosa at iba pang drug personalities, pinagpapaliwanag ng CIDG

Manila, Philippines – Iginiit ng pamunuan ng PNP Criminal Investigation ang
Detection Group o CIDG na dapat pa ring magpaliwanag ang prosecution panel
ng Department of Justice na pumirma para mabasura ang drug cases na
kanilang isinampa laban kina Kerwin Espinosa at 20 drug personalities.

Ito ay kahit na idinekla na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na void
o walang bisa ang resolusyong pagbasura sa drug cases na isimpa ng CIDG
laban kina Espinosa dahil magsasagawa na sila ng clarificatory hearing sa
kaso.

Ayon kay PNP CIDG Legal Chief Police Supt Joseph Orsos, kung pag-aaralang
mabuti ang inilabas na resolution may pagkakamali ang prosecution panel
lalo na sa kanilang dalawang dahilan para ibasura ang reklamo.


Una ay ibinasura nila ang kaso dahil hindi raw maaring gawing testigo si
Marcelo Adorco ang driver body guard ni Kerwin Espinosa para ituro ang
kanilang mga ka-transaksyon sa iligal na droga na para kay Orsos ay isang
malaking pagkakamali.

Dahil inihalimbawa nito ang kaso ng Atio castillo hazing case na itinuro
mismo ng miyembro ng frat ang mga pangalan ng suspek at sirkumtansya ng
krimen na dahilan para masampahan ng kaso ang mga suspek.

Pangalawang pagkakamali aniya ng panel ay nakasaad sa page 38 ng
resolution, kung saan hindi na nila tinanggap ang drug conspiracy na
kanilang isinampa kina espinosa dahil dapat daw ay pagbebenta na ng droga
ang kaso ng mga ito at kailangan nilang maglabas ng ebidensya.

Pero ang ipinagtataka ni Orsos, pareho lang ang isinampang kaso kina
Espinosa at Senator Leila De lima ngunit ang senadora ay nasampahan ng kaso
sa RTC Muntinlupa na ngayon ay nakakulong habang nabasura naman ang unang
reklamo ng CIDG laban kina Espinosa.

Aniya posibleng hindi inaral o hindi binasa ng panel ang kanilang
pinirmahang resolution.

Facebook Comments