Drug cases, dapat maging malakas para tiyaking mapapanagot ang mga sangkot sa ilegal na droga

Binati ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers ang mga law enforcement officers at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC).

Kasunod ito ng pagkahuli sa mga suspek kaugnay sa nagpapatuloy na laban sa operasyon ng ilegal na droga at pagkumpiska sa mahigit 4 na toneladang illegal drugs.

Bunsod nito ay pinapatiyak ni Barbers sa mga otoridad na malakas ang mga drug cases na kanilang isasampa para hindi mababasura ang mga ito at tiyak na mapaparusahan ang mga sangkot sa ilegal na droga.


Sabi ni Barbers, para ito sa pagkamit ng ligtas na lipunan at pagsagip sa mga kabataan at lahat ng mamamayan mula sa ilegal na droga.

Ipinangako din ni Barbers ang lubos na suprota ng Kongreso sa bloodless drug war ng administrasyon sa pamaagitan ng paglalaan ng sapat na pondo at pagpasa ng mga kailangang panukala.

Facebook Comments