Manila, Philippines – Humiling ang negosyante at drug lord na si Peter Lim na ipasailalim sa hiwalay na preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ukol sa kinakaharap niyang drug charges.
Ayon kay Lim, ang mga isinampang kaso sa mga respondent ay hindi magkakasama sa iisang grupo at hindi nakitaan ng parehas na factual allegations.
Bukod kay Lim, ang mga respondents sa kinasuhan ng paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ay sina self-confessed drug lord na si Kerwin Esponosa, convicted drug lord na si Peter Co, drug supplier na si Lovely Impal, drug dealer na si Marcelo Adorco, Max Miro, Ruel Malindangan, Jun Pepito at iba pa na may mga alyas na pangalan.
Pinagbasehan ng PNP ang reklamo nito sa mga sinumpaang salaysay ni Adorco na nagtrabaho kay Espinosa.
Pero punto ni Lim, lalabas sa mga sworn affidavits ni Adorco na magkalaban sila ni Peter Co at hindi co-respondents.
Dagdag pa ni Lim na hiwalay na ang naging ugnayan ni Kerwin kay Co at sa kanya.