Pumalo na sa 80% na mga barangays sa lalawigan ng Pangasinan ang idineklarang drug-cleared barangays ayon sa datos ng PDEA Pangasinan.
Sa ginanap na symposium ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ay kanilang inilabas ang datos na nagsasabing nasa 80% ng mga barangays sa lalawigan ang drug-cleared na.
Sa datos ng PDEA, umabot na sa 1,044 barangays ang idineklarang drug-cleared sa probinsya.
Sa ngayon ay nasa dalawampu’t pitong (27) bayan na sa kabuuang apatnapu’t apat (44) na bayan sa Pangasinan ang cleared sa ipinagbabawal na mga gamot.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang aktibidad ng PDEA Pangasinan sa buong lalawigan para sa pagpapanatili ng drug-cleared sa lalawigan.
Facebook Comments