Sumampa na sa 83% na mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan ang itinuturing na drug-cleared sa mga ipinagbabawal na gamot ayon sa Philippine Drug Enforcement Pangasinan.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay PDEA-Pangasinan Assistant Provincial Director Rechie Camacho, nasa 83% na ng mga barangays o katumbas ng nasa 1,048 sa 1, 272 barangays sa lalawigan ang idineklarang drug-cleared na.
Dagdag pa ni Camacho, 27 sa 44 na munisipalidad at ang siyudad ng Alaminos sa apat na siyudad sa probinsiya ang idineklara na ring drug-cleared.
Sa nabanggit na datos ng PDEA Pangasinan, tanging bayan lamang ng Sto. Tomas sa lalawigan at sa rehiyon ang itinuturing na drug-free.
Ayon pa kay, Camahco ito ay dahil sa patuloy nilang pagsasagawa ng mga aktibidad at sa pagbisita ng mga kawani sa bawat lugar sa lalawigan kaugnay sa paglaban at pag-iwas sa mga iligal na droga.
Mensahe naman ni Camacho na upang maging drug-free at drug-cleared ang bawat lugar, kailangan lamang umanong sumunod sa mga patakaran ng LGU’s at barangays at kung nais namang mag-apply sumangguni lamang sa kinauukulan para sa aplikasyon.