Isang malaking hamon sa kakayahan ni P/Maj. Vicente Guzman Jr. na bagong itinalagang hepe ng PNP Cordon dahil apat pa lamang ang naideklarang drug cleared mula sa 26 na barangay ng nasabing bayan.
Base datos ng PNP Cordon ang naideklarang apat ba drug cleared ay ang barangay ng Sagat, Laurel, Roxas at Aguinaldo habang drug free o hindi naman apektado sa iligal na droga ang Brgy. Anonang, Camarao, Dallao, Villamiemban at Taliktik.
Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang dokumento ng barangay ang inuusisa at pinag-aaralan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 02 o PDEA R02 gaya ng Brgy. Gayong at Quezon.
Ang Barangay ng Capirpirwan at Calimaturod ay kasalukuyan namang inaayos ang kanilang mga dokumento para isumite sa tanggapan ng PDEA.
Habang ang natitira pang 13 na barangay ay nagsasagawa pa umano sila ng orientation at information dissimination sa mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC upang mahikayat ang mga ito na makipagtulungan sa kampanya kontra iligal na droga.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Vicente Guzman Jr. ay matatagalan pa bago tuluyang maideklarang municipal drug cleared at drug free ang bayan ng Cordon dahil na rin sa mabusising paggawa at pag-aayos ng mga dokumento.
Dahil dito, umapela ang hepe sa mga mamayan at sa mga opisyal ng barangay na makipagtulungan ang mga ito upang mapadali ang pagproseso para makamit ang adhikain na tuluyang masawata ang bentahan at paggamit ng ilang residente sa ipinagbabawal na droga.