General Santos City— binolabog ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang isang drug den sa Prk, Naval, Barangay San isidro Gensan kung saan ay nadakip ang limang katao matapos ginawa ang isang buybust operation sa nasabing lugar.
Kinilala ni Police Sr., Inspector Oliver Pauya, hepe ng CDEU ang mga suspek na sina Mark Anthony Bayking, 30, residenti ng Barangay Mabuhay, na syang target ng nasabing operasyon; Kabunsuan Tumbaga, 24, residenti ng barangay Labangal, Rene John Abatayo, 32, Residenti ng Barangay West, Michell Joy Madayos, 20, at Mary Ann Datahan, 21, residenti ng Barangay Labangal.
Alas 2:00 ng hapon ng isinagawa ang buybust operation sa nasabing drug den na naging dahilan ng pagkaaresto ng suspek na si Bayking matapos itong nabilhan ng (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu. Inaresto din ang apat pang kasamahan nito matapos nalamang mag pot session sana sa nasabing lugar.
Nakuha mula sa mga suspek ang (12) sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P300,000.00 at marked money na P500.00.
Sa ngayon ay nakakulong na ang nasabing mga suspek sa silda ng San Isidro Police Station at inihahanda na ang kasong isasampa sa kanila.
Drug Den binolabog ng PNP-Gensan, 5-arestado
Facebook Comments