Drug den sa Baguio City, sinalakay ng PDEA

51

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa San Carlos Heights Extension, Irisan, Baguio City.

Nag-resulta ito sa pagkakaaresto ng drug den maintainer at ilang iba pa.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang drug maintainer na si Marivic Rodriguez.


Si Rodriguez ay itinuturing na high value target at lumilitaw na kinamkam lang ng suspek ang bakanteng lote ng kanyang kapitbahay saka ginawang drug market.

Kasamang naaresto sa operasyon sina Cheryl Asim ng San Vicente, Baguio City, Carlito Javier, at Joel Sales na kapwa mula sa San Carlos Heights sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa raid ang mga droga na nagkakahalaga ng ₱122, 000 at iba’t ibang drug paraphernalia.



Facebook Comments