DRUG DEN SA DAGUPAN CITY, SINALAKAY NG PDEA

Kalaboso ang mag-live in partner at dalawang parokyano nito matapos salakayin ng pinagsamang pwersa ng PDEA at PNP ang isa umanong Drug Den sa Barangay Tapuac, Dagupan City.
Napag-alaman na target ng mga otoridad ang babaeng suspek at ang live-in partner nito sa isang Buy-Bust Operation, ngunit bumulaga sa mga ito ang dalawa pang mga tao na nasa kalagitnaan ng paggamit ng iligal na droga.
Nakumpiska ang nasa humigit-kumulang 15 gramo ng suspected shabu, na nagkakahalaga ng PHP 108,000.

Napag-alaman na bukod sa negosyong boarding house ng maglive-in partner ay ginagawa din na Drug Den ang kanilang bahay, kung saan ay maaaring gamitin ang isang kwarto sa bahay kung maisipang bumatak dito ng mga parokyanong bumili ng hinihinalang shabu.
Inihahanda na ngayon ang mga kasong isasampa laban sa apat na suspek. |ifmnews
Facebook Comments