Drug Den Sa Quiapo, Maynila Sinalakay Ng Mga Awtoridad.

9

QUIAPO, MANILA – Nakasabat ng limang daang gramo ng hinihinalang shabu sa Quiapo, Maynila, ang mga tauhan ng MPD Station 3 sa bisa ng search warrant.Ayon kay Police Chieft Inspector John Guiagi ng station 3, partikular nilang nilusob ang bahay ng suspect na si Ansoy Abbas, kilalang tulak ng droga sa lugar.Sa isinagawang operasyon ng pulisya, sa Golden Mosque Compound ng naturang Lungsod, nakasabat rin sila ng mga baril, iba’t ibang bala, mga motorsiklo at mga drug paraphernalia.Tinatayang aabot sa dalawang milyon at limang daang libong piso ang halaga ng nasabat na droga.Bigo mang maaresto ang suspect na si Abbas, matapos paputukan ang mga pulis, nadakip naman ang walumpu’t tatlong katao na nasa paligid ng itinuturing na drug den, at sa ngayon ay sumasailalim na sa identity verification.

Facebook Comments